Advertisers

Advertisers

Titser at mister nag-agawan ng granada, nagkalasug-lasog

0 197

Advertisers

Halos magkandalasug lasog ang katawan ng mag-asawa na nag-agawan umano sa isang granada nang sumabog sa loob ng kanilang bahay sa Purok 7, District 3, Gamu, Isabela.

Kinilala ang mag-asawa na sina Charles Medrano, 40 anyos, magsasaka; at Criselda Medrano, 43 anyos, elementary teacher na residente sa naturang lugar.

Sa pagresponde ng pulisya nadatnan nila sa lugar na wala nang buhay ang mag-asawa sa loob ng kanilang kuwatro dahil sa malubhang sugat sa kanilang katawan.



Inihayag naman ni Barangay Kapitan Victor Gamayon, ng District 3, Gamu, Isabela na hinihinalang away mag-asawa ang dahilan ng pag-aagawan nila sa granada kung saan matagal na umanong may alitan ang mga ito at sa katunayan may isinampang kaso laban sa mister.

Hanggang sa ngayon, patuloy pa rin iniimbestihahan ng pulisya ang naturang insidente. (Rey Velasco)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">