Advertisers

Advertisers

Pagbarikada vs ‘illegal mining’ sa Romblon nabalot ng tensyon

0 306

Advertisers

NAUWI sa tensyon ang pagsasagawa ng “human barricade” ng mga residente habang iprinoprotesta ang anila’y iligal na aktibidad ng Altai Philippines Mining Company sa kanilang lugar sa Sibuyan Island, Romblon.

Nagkagirian ang mga pulis at environmental defenders, kabilang ang mga residente nang tangkain lumabas sa barikada ang ilang truck na kargado ng nickel ores.

Aminado si Elizabeth Ibañez, coordinator ng Sibuyanons against mining, na ikinagulat nila ang pagtulong ng mga pulis upang makalabas ang truck na magbibiyahe ng mga nickel ore.



Ayon kay Ibañez, walang permit ang Altai upang makapag-operate ng pagmimina sa Sibuyan.
Enero 28 nang magsimulang magbarikada ang mga residenteng kontra mining sa tapat ng itinatayong pier ng Altai sa Sitio Bato, Brgy. España, San Fernando, Sibuyan island.

Walang maipakitang barangay clearance, municipal business permit, DENR Foreshore Lease Contract at PPA permit para makapagtayo ng private port ang Altai Mining Philippines na pag-aari ng Gatchalians.



Sa kuha ng drone na pinost sa Facebook, makikitang malaki na ang nahuhukay ng Altai mining sa gilid ng bundok sa Sitio Bato.

Pinangangambahan na kapag nagkaroon ng malakas na buhos ng ulan ay dadaloy ang putik sa magagandang ilog at baybayin ng Sibuyan.



Wala pang pahayag ang DENR sa nasabing illegal mining.