Advertisers

Advertisers

3 NIRATRAT SA PASAY!

0 190

Advertisers

TINADTAD ng bala ang tatlo katao ng dalawang gunmen sa Don Carlos Village, Pasay City, Lunes ng gabi.

Ang mga biktimang kaagad nasawi sa pamamaril ay kinilalang sina Philip Jay Tan, Richard Kevin Delos Reyes at Lilian Tan.

Sa salaysay ng ilang testigo, sakay ng kulay puting Honda Civic (BCX-860) ang tatlong biktima, halos isangdaang metro ang layo galing ng Airport Road, Pasay City papasok ng Don Carlos Village nang paulanan ng bala ng gunmen na kapwa naka-bonnet.



Sa ulat, si Lilian Tan ang pinuruhang barilin base sa tama ng mga bala sa kanang bintana sa harapan ng kotse.

Tinitingnan ang anggulo na katransaksyon ng mga biktima ang mga salarin dahil bukas ang bintana sa bahagi ng driver’s side.



May posibilidad din umanong first time ng mga biktima sa lugar dahil sa paggamit ng WAZE.

Sinikap din umano ng driver na matakasan ang mga salarin kaya bumangga ito sa gawing kaliwa ng kalsada malapit sa ilog, at nagtamo ng mga tama ng bala ang likuran ng kotse, at sa kaliwang bintana sa likod na kinauupan ng isa pang biktima.



Nakuha sa loob ng sasakyan ang isang caliber .45 na baril at isang sachet ng shabu kay Philip Jay Tan.

Blangko pa ang mga imbestigador sa motibo ng pamamaslang. Inaaalam pa kung may nakuhang footages ang mga closed circuit television camera (CCTV) sa lugar malapit sa gate ng depot ng LRT 1.
(Gaynor Bonilla)