Advertisers
SINIMULAN na nitong Linggo ng Quiapo Church ang security planning para sa Nazareno 2027.
Ayon kay Fr. Ramon Jade Licuanan, kura paroko ng Quiapo Church, na naging maaga ang nasabing paghahanda dahil inaasahan ang milyong deboto na lalahok sa susunod na taon.
Mahalaga na pagplanuhang mabuti ang security, crowd control at logistic concerns dahil sa dami ng tao na lalahok at makikipot na kalsada sa Maynila.
Nakatakdang magsimula rin silang makipagpulong sa mga kapulisan, militar at mga opisyal ng Malacañang bago ang nasabing Nazareno 2027.
Hinikayat nito ang mga diocese sa buong bansa na magsagawa ng lokal na pagdiriwang sa pamamagitan ng “Dalaw Nazareno” program.
Ang tema ng 2027 Nazareno ay “Tuwirin ninyo ang daraanan ng Panginoon”.