Advertisers

Advertisers

P802-M pondo para sa school counselors itinutulak sa Kongreso

0 6

Advertisers

ISINUSULONG ngayon sa Kongreso ang pagdagdag ng mahigit 2,000 karagdagang guidance personnel sa mga pampublikong paaralan sa 2027 kasabay ng panukalang P802 milyon na pondo para palakasin ang mental health at child protection services sa mga mag-aaral.

Ayon kay House Minority Leader Marcelino Libanan, nakapaloob sa panukalang P7.2-trilyong national budget para sa 2027 ang paglikha ng 1,800 school counselor associate positions at 221 school division counselor positions sa ilalim ngDepartment of Education (DepEd).

Giit ni Libanan, mahalaga ang dagdag na counseling personnel lalo na sa gitna ng mga ulat ng bullying, school violence at iba pang problemang maaaring makaapekto sa emosyonal at mental na kalagayan ng mga estudyante.



Napapanahon aniya ang panukalang dagdag-pondo kasunod ng mga insidente ng karahasan sa mga paaralan, kabilang ang mga pamamaril at pananaksak sa ilang campus.

Para kay Libanan, hindi sapat ang physical security upang mapanatiling ligtas ang mga paaralan.



Kailangan din aniyang palakasin ang emotional at psychological support para sa mga mag-aaral.

Aniya, bahagi ng “first line of defense” ng mga paaralan ang guidance counselors dahil nakatutulong silang matukoy ang mga estudyanteng nangangailangan ng suporta at makalikha ng mas ligtas at supportive na school environment.



Hinikayat din ni Libanan ang mga pribadong elementary at high school na dagdagan ang kanilang counseling services, dahil aniya, responsibilidad ng buong komunidad ang kapakanan ng mga bata.