Advertisers

Advertisers

Kadeteng seaman nahulog sa barko sa Batangas

0 3,486

Advertisers

NAGPAPATULOY ang paghahanap ng Philippine Coast Guard sa Batangas sa nawawalang kadete ng barkong MV Aleson Con Carrier 14 na pinaniniwalaang aksidenteng nahulog sa gitna ng karagatang sakop ng Calatagan noon January 28, 2023.

Kinilala ang biktima na si Engine Cadete Marnel Vincent Balaba, 22 anyos, tubong Mizamis Oriental at kasalukuyang on board sa nabanggit na barko nang mangyari ang insidente.

Base sa report ng Philippine Coast Guard Sub Station sa Calatagan, galing ng Zamboanga City patungo ng Maynila ang barkong sinasakyan ng biktima nang mangyari ang insidente habang nasa underway.



Agad naman nagsagawa ng Search and Rescue (SAR) Operations ang PCG at muling itinuloy noon January 29 katuwang ang barkong BRP Bagacay, pero napilitang ihinto ang paghahanap dahil sa sama ng panahon. Subali’t agad din itinuloy kinabukasan ang paghahanap sa biktima at tumulong narin ang Coast Guard Aviation Force na nagsagawa ng aerial search subali’t bigo parin matagpuan si Balaba.(Koi Laura)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">