Advertisers

Advertisers

Motorsiklo sinuwag ng van; 1 patay, 2 sugatan

0 136

Advertisers

Patay ang isang katao at dalawa ang sugatan nang mabangga ng van ang motorsiklo sa Brgy. San Nicolas, San Esteban, Ilocos Sur, Huwebes ng gabi.

Kinilala ng San Esteban Municipal Police Station ang driver ng Yamaha Sniper motorcycle na si Christian Lunugan, 20, walang asawa, residente ng Brgy. Lucaban, Burgos, Ilocos Sur.

Kinilala naman ang driver ng Toyota Hi-Ace van na si Cesar Secretario y Aron, 48, walang asawa, residente ng Marikina City.



Nabatid na bumibiyahe ang van sa national highway patungong hilagang direksyon samantalang ang motorsiklo naman nasa kabilang lane patungong timog na direksyon.

Pagdating sa may sharp curve na bahagi ng highway, tinangka umano ng driver ng van na mag-overtake sa sinusundan nitong sasakyan kaya nakasalubong nito at nabangga ang motorsiklo sa kabilang lane.



Isinugod ang driver ng motorsiklo sa Ilocos Sur District Hospital sa Narvacan, Ilocos Sur ngunit idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor.

Bagama’t hindi nasaktan o nasugatan ang driver ng Hi-Ace van, dalawa naman sa mga pasahero nito ang iniulat na sugatan.



Kinilala ang dalawang pasahero nito na sina Jhannel Corpuz, may asawa, Canadian citizen, at Lorna Antiporda, kapwa naninirahan sa Brgy. Nalvo, Sta. Maria, Ilocos Sur.