Advertisers
GINULAT ni Charly Suarez ang mundo ng boxing matapos mapatumba ang pambato ng Australia na si Paul Fleming via 12th round technical knockout upang mabitag ang regional titles sa Kevin Betts Stadium sa Sydney,Australia Miyerkules ng gabi.
Ang 34-year-old Suarez, na sumabak sa 2016 Rio Olympics at naging three-time Southeast Asian Games gold medalist sa panahon ng kanyang amateur years, ay tinamaan si Fleming ng mabangis na left hook para sumadsad sa canvas.
Sinubukan ng Australiano na tumayo, pero muling inatake ni Suarez para itigil ng referee Pat O’Connor ang laban sa 1;58 mark sa 12th round.
Dahil sa panalo, ay naagaw ni Suarez ang regional titles sa IBF,WBC at WBA, at patibayin ang kanyang ranking sa sanction bodies.
Suarez ay nanateling walang dungis ang record na 15-0 kabilang ang nine knockouts,habang si Fleming na sumabak sa 2008 Bejing Games ay nalasap ang unang kabiguan para malaglag sa 28-1-1,18 knockouts.
“Congratulations from your GAB family! We are proud of you!” Paskil ng Games and Amusements Board sa kanilang social media.