Advertisers

Advertisers

Pagdinig sa panukalang Cha-Cha tinapos na ni Sen. Padilla

0 200

Advertisers

INIHAYAG ni Senador Robinhood Padilla na ang public hearing sa Cebu City ang huli na ng Committee on Constitutional Amendments ukol sa panukalang pag-amyenda sa 1987 Constitution.

Si Padilla, ang namumuno sa naturang komite matapos ang mga naunang pagdinig sa Davao City at Baguio City.

Ayon kay Padilla, posible na sa susunod na linggo ay makikipag-usap na siya sa mga mambabatas mula sa Kamara ukol sa Charter Change o Cha-Cha.



Sa pagdinig sa Cebu City, iginiit ni Padilla na trabaho niya na isulong ang mga pagdinig sa mga panukala sa kabila ng mga batikos at kritisismo.

Ani ng senador, ang nais lamang naman niya ay mapagbuti ang buhay ng lahat ng mga Filipino.

“Kung gusto natin ng pagbabago, mayroon pong paraan. Kailangan lang po nating mamulat. Kailangan po nating magkaisa para iisa ang ating tatahaking daan tungo sa pag-unlad ng ating Inang Bayan. Bilang inyo pong ihinalal ng taong bayan, kami po ay obligado na gawin ito kahit na marami po ang kumukutya sa amin, marami po ang gustong pumigil sa amin. Kailangan naming gawin ito para sa inyo,” ani Padilla.

Inulit lang din ng senador na kailangan na amyendahan ang ‘economic provisions’ ng Saligang Batas para mas maging maluwag sa Foreign Direct Investments (FDIs).

Tiniyak pa ng senador na hindi siya papayag na may mga isisingit na pag-amyenda sa ibang probisyon at naninindigan siya na ang pag-amyenda ay gagawin sa pamamagitan ng Constitutional Assembly o ‘Con-Ass.’