Advertisers

Advertisers

Sa closeness ng dalawa.. Misis ni Chito na si Neri may selos factor na kay Moira

0 154

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

VIRAL ang naging palitan ng mga mensahe nina Chito Miranda at ng Reyna ng Hugot songs na si Moira de la Torre na nag-circulate sa Instagram.
Kung iisipin mo, sobra talaga ang closeness nila as if dyomodyowa level na ang kanilang kulitan.
Sa convo nila, mababasa ang pangungulit ng singer sa bokalista ng Parokya ni Edgar.
Pati pangungumusta kung gising pa ito ay ginagawa ng emoterang biritera na nauuwi naman sa bungisngisan sa kuwentong gustong ibahagi nito.
Sa parte naman ni Chito, may pakilig naman itong mensahe kay Moira na: “Ang sarap mo talagang kausap. Sana makahanap ka din ng isang kausap tulad mo with heart emoji.”
Isa namang netizen ang nakapansin sa pagiging sobrang malapit ng dalawa. Urirat ng pakialamerang netizen: “Di ba magagalit asawa mo nyan? “
Sagot naman ni Chito sa commenter:”bakit naman?”
Dahil dito, nag-react ang ilang kibitzers na nagsabing malabong magselos ang misis ni Chito na si Neri Naig kay Moira.
Hirit pa nila, bukod daw sa mas maganda ay hindi ang tipo ni Neri ang mai-insecure kay Moira.
Sina Chito at Moira ay naging matalik na magkaibigan nang magkasama sila bilang mga hurado ng season 2 ng singing talent competition na Idol Philippines.