Advertisers
Ginahasa bago pinatay ng isang ama ang 9 anyos na anak na natagpuang walang buhay at walang pang-ibabang saplot sa madamong bahagi ng Barangay Santa Ana, sa Tubay, Agusan del Norte.
Kinilala ang salarin na si Joselito Llido Paña, 39 anyos, ama na hindi na pinangalanang biktima.
Sa pinakahuling ulat, mismong ang ama ng bata ang gumawa ng krimen.
Sinabi ng mga imbestigador na natagpuan ang bangkay ng biktima ng Huwebes ng hapon, sa madamong bahagi ng Purok 1 Barangay Santa Ana, sa bayan ng Tubay.
Bukod sa wala nang saplot, may sugat din sa ulo ang biktima.
May tatlo umanong testigo ang nagturo sa may kagagawan ng krimen.
Sa pag-iimbestiga, unang sinabi ng ama ng bata na inutusan niya ang kanyang anak na bumili ng diaper, bigas at sigarilyo sa tindahan. Hindi na umano ito nakauwi kaya nanghingi na sila ng tulong sa barangay.
Sa ulat, kinumpirma ni PLt. Honorio Campos, spokesperson ng Agusan del Norte Police na ang ama ng bata ang salarin. Nangyari umano ang krimen ng Marso 30, 2023.
Base sa resulta ng awtopsiya at medico genital examination sa bata, positibong ginahasa ito at pinatay sa pamamagitan ng paghampas sa ulo.
Isasampa na umano ang kasong rape with homicide laban sa ama ng biktima nitong Lunes.