Advertisers

Advertisers

Ex-cop, 3 pa arestado sa drug bust

0 172

Advertisers

Arestado ang isang dating miyembro ng Philippine National Police (PNP) kasama ang tatlong iba pa sa magkakahiwalay na operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 12 kontra iligal na droga sa Pikit, Cotobato.

Ayon kay PDEA 12 chief Aileen Lovito, huling naaresto sa kanilang entrapment operation si Motin Kidap nang bentahan nito ng anim na sachet ng shabu ang mga posuer buyer sa ikinasang operasyon laban dito sa bayan ng Pikit, Cotobato noong Linggo ng gabi.

Dinismis sa serbisyo si Kidap nang masangkot ito sa pagbebenta ng iligal na droga at iba pang kriminal na gawain, kabilang ang pagnanakaw, noong 2020.



Sinabi ni Lovito na ilang linggo rin nilang minatyagan si Kidap at saka sila nagkasa ng operasyon laban dito nang makumpirma ang iligal nitong gawain.

Nauna rito’y tatlo pang operator ng drug den na kinilalang sina Arlan Delos Reyes, Jonel Manambay at Jezrel Kim Delos Reyes, ang dinakma ng PDEA 12 at Police Regional Office (PRO) 12 nang iskoran nila ng umano’y shabu ang mga poseur buyer sa Purok Katipunan sa Barangay Reyes sa bayan ng Banga noong Biyernes ng gabi.



Nabawi sa kanila ang P81,000 halaga ng iligal na droga habang nailigtas naman ang isang menor de edad na ginagamit umanong courier ng mga ito sa kanilang operasyon.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">