Advertisers

Advertisers

Mahilig sa mas matatanda…Gabby inamin, crush sina Vilma at LT

0 257

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

SA latest entry sa kanyang vlog, sinagot ni Gabby Concepcion ang spicy questions tungkol sa kanyang buhay.
Ito ay naganap sa kanyang beachfront house na may farm sa Lobo, Batangas na itinuturing niyang hideaway kung saan siya nagre-recharge kapag nalo-low batt na siya dahil sa pressure ng kanyang trabaho.
Simple lang daw ang buhay niya sa farm kung saan siya mismo ang naglilinis, nagluluto at nag-aasikaso ng bahay.
Hirit pa niya, nae-enjoy daw niya ang simpleng buhay niya sa probinsiya.
Pet peeve raw niya iyong mga tao na procrastinator o may ‘bahala na’ habit kung saan ipinagpapabukas ang mga bagay na puwede naman nilang gawin sa kasalukuyan.
Biggest regret naman niya ang iyong hindi niya nagawa ang mga bagay na dapat ay napagtuunan niya ng pansin noon tulad na lamang ng pag-iinvest sa real estate o prime properties noong may pagkakataon pa siya lalo pa’t tumataas ang presyo ng mga ito sa merkado.
Kaya naman, ang payo niya sa mga kabataan, kung may oportunidad daw sila ay hindi nila dapat sinasayang dahil minsan lang dumadating ang ganoong klaseng pagkakataon.
First worst date raw naman niya ay nangyari noong nasa junior high school siya. May ka-date raw siya noon pero minalas na naubusan siya ng gasolina kaya ang ending ay nagtulak siya ng kotse.
Best date raw naman niya ay noong sagutin siya ng nasabing date at naging sila.
Idol daw niya sa showbiz ang tinaguriang “The Great Profile” na si Leopoldo Salcedo.
Hirit pa niya, wala raw namang pagkakaiba sa kanya kung fan o hindi fan ang kanyang i-date.
Sa tanong naman kung single ba siya, ni-request naman niya na huwag na lamang itong sagutin.
Tungkol naman sa celebrity crush, marami raw siyang ina-admire o hinahangaang magagandang babae tulad ng mga nakatrabaho niyang sina Vilma Santos, Lorna Tolentino, Amalia Fuentes at Celia Rodriguez.
Proud moment naman daw sa kanya ang makita na nagbubunga o successful ang ginagawa niya tulad ng farming.
Kung magiging presidente raw naman siya, ang unang proyekto raw niyang iisipin ay may kinalaman sa preserbasyon ng kalikasan tulad ng corals lalo pa’t isa siyang diver.
Ang rason daw naman kung bakit pumasok siya sa vlogging ay para maipakita ang other side niya bilang ordinaryong tao kapag wala sa harap ng kamera.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">