Advertisers

Advertisers

Konsehal dadalo sa sesyon tinumba

0 102

Advertisers

NASAWI ang isang municipal councilor nang barilin habang pababa sa kanyang sasakyan upang dumalo sa session ng Sangunian Bayan sa Datu Salibo, Maguindano del Sur, Lunes ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Daemon Daglok Silongan, 50 anyos, ng Poblacion Datu Salibo.

Ayon kay Major Roldan Kuntong, hepe ng Datu Salibo Municipal Police Station, 8:22 ng umaga nang maganap ang pamamaril sa highway na sakop ng Barangay Pagatin, Datu Salibo.



Palabas ng kanyang sasakyan ang biktima matapos iparada ang kotse sa tabing kalsada nang lapitan ng gunman at pinutukan ito sa katawan na ikinasawi noong din.

Tumakas ang salarin sakay sa isang motorsiklo na naghihintay sa ‘di kalayuan sa pinangyarihan ng insidente.



Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya.(Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">