Advertisers

Advertisers

BIFF bombmaker patay sa engkwentro

0 120

Advertisers

PATAY ang isang bomb maker na kasapi ng teroristang Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIFF) sa inilatag na Law Enforcement Support Operation ng tropa ng pamahalaan noong Sabado sa Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao del Sur.

Agad na nasawi ang bombmaker na kinilala sa alyas “Datu Guibo”.

Ayon kay Lieutenant Colonel Budgie Villan, acting Commanding Officer ng 33IB, isisilbi sana ang warrant of arrest ng pinagsanib na pwersa ng 33rd Infantry (Makabayan) Battalion at Provincial Mobile Force Company ng Maguindanao del Sur Police Provincial Office laban sa suspek sa safe house nito, pero habang paparating palang ang tropa ng pamahalaan ay pinaputukan ito ng mga terorista.



Tumagal ng 8-minuto ang palitan ng putok na ikinasawi ni Guibo, habang nakatakas ang mga kasamahan nito.

Wala naman naiulat na nasawi o sugatan sa tropa ng pamahalaan.



Narekober sa lugar ng pinangyarihan ng engkuwentro ang isang caliber .45 pistol, isang magazine at isang anti-personnel mine.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">