Advertisers
SINUSPENDE ng Rain or Shine ang kanilang big man Beau Belga ng anim na araw na walang bayad, nasangkot sa unsanctioned basketball game sa Cebu ngayong weekend na nauwi sa gulo.
Inanunsyo ng Elasto Painters ang development Lunes.
Isa si Belga sa PBA players na nasangkot sa gulo kontra foreign team sa exhibition game sa Carmen Municipal Gym sa Carmen,Cebu Sabado.
Nakita ang dating ROS forward JR Quinahan sa viral video na sinusuntok ang foreign players, Habang si Belga ay naghagis ng bola.
Sinabi ni League commissioner Willie Marcial na ipapatawag nya lahat ng PBA players na nasangkot. Namataan rin sina Magnolia Jio Jalalon at NorthPort Robert Bolic na kasama nina Quinahan at Belga sa team.
Sinabi ng Rain or Shine na magsasagawa rin sila ng kanilang sariling internal investigation tungkol sa bagay.
Ang PBA players ay kailangan may permiso sa kanilang ball clubs bago maglaro sa exhibition games sa off season.