Advertisers
SINAKSIHAN ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang combined live fire exercise ng mga sundalong Pilipino at Amerikano sa Zambales bilang bahagi ng Balikatan Exercises.
Kabilang sa mga pagsasanay ang pagpapalubog ng target ship ng Philippine Navy na BRP Pangasinan.
Ang barko ay ipinosisyon sa layong 12 nautical miles mula sa baybayin ng bayan ng San Antonio na tinarget na palubugin.
Maliban kay PBBM, dumalo rin sa aktibidad si Defense Secretary Carlito Galvez Jr.
Ang Balikatan Exercises ay taunang ginagawa sa pagitan ng Pilipinas at US military.
Nabatid na ngayon ang may pinakamaraming kalahok sa kasaysayan dahil nasa 17,600 participants ang kasali rito na layong mapalakas ang kooperasyon, kapabilidad, at maging ang interoperability ng dalawang bansa.
Nagsimula ang Balikatan 2023 noong Abril 11 at matatapos sa Abril 28 ngayong taon. (GILBERT PERDEZ)