Advertisers

Advertisers

PASSION-MISSION NI JOHN REY MALTO, SAGOT SA PANGARAP

0 998

Advertisers

MAIBA lang naman po tayo para sa isang makabuluhang sulyap. Kung sa Basketball world ay nariyan ang Sports agents na tulay at alalay sa pagpasok ng cager sa papalaking arena tungo sa pinakamalalaking liga at kinilala sina DANNY ESPRITU, CHARLIE DY, EDGAR ANGAHAS at iba pang nagsusulputang career managers, marami ang gumawa na ng pangalan sa kapatid na industriya ng basketball, ang showbusiness.

Kung pamilyar na po kayo sa mga talent search ng TV programs, fashion shows atbp, naging saksi kayo sa natupad na pangarap ng mga talentado o physically appealing personalities na sumikat o yumaman. Behind the scene, may handlers at mentors na susi sa kanilang success.

Sa totoo lang po, impressed kami sa inspirasyon ng passion-mission ni JOHN REY MALTO na instrument sa success ng di mabilang na talents sa showbiz industry. Ang siste nga lang daw po, may cases din na biglang nang-iiwan sa ere ang ilang talents kapag nakatawid at biglang solo-diskarte. So far, masaya kapag ganap na pumaimbulog ang hawak na talent.



Hanap ni JOHN REY ang talents sa kategorya ng actor, singer, dancer at model na huhubugin para ma-enhance ang craft sa kabuuan ng pangarap na karera. At age 30, fulfilled Talent Manager na si JOHN REY mula sa pagbuo ng sariling passion sa Arts tungo sa isang misyon, ibahagi ang knowledge at skill para i-push ang deserving talents sa goal na starmaking.

Isa siya sa mga nasa likod ng oportunidad para sa participants ng TV game shows, individual o groups. “Sa mga gustong sumali, gumawa lamang po ng video, halfbody, medyo close up, nasa 1 minute na pagpapakilala, banggitin kung saang kategorya po sila at isend lamang po sa aking messenger ang video na naka-landscape. Kailangan din ang bonggang pagpapakilala o full of energy, hindi yung walang kabuhay-buhay o matamlay na video.”

Sa interested parties, alam na this, hanapin ang sagot sa inyong pangarap. KUDOS kay JOHN REY MALTO at good luck sa incoming participants. Makipag-agawan na po kayo sa ball of opportunity. Sana po ay makatulong ang aming info. So there!

SEAG 2023, PASOK!
PAPASOK na ang CAMBODIA 2023 SOUTHEAST ASIAN GAMES (SEAG) ngayong buwan ng Mayo para sa 32nd season. Suporta ang kailangan ng team to end the 18-year thirst ng Pinas sa medals. Ang ‘The PHENOM’ o phenomenal volleyball star from ATENEO na si ALYSSA VALDEZ, pambato ng Pinas sa volleyball ang Team Captain na muling magtataas ng bandila sa 2023 SEAG.

‘It’s an honor to be the flag-bearer for this year’s SEA Games. It’s a big responsibility but I’m grateful for the trust given to me again. I first had the opportunity to carry our Philippine flag in 2015 in Singapore and it was an unforgettable experience. I share this with all the women in Sports who brought honor and glory to the country.”

Sa Japan ang training at preparation ng men and women’s national indoor volleyball teams at may training din sa Brazil. Target natin na makasama sa podium finish at mahigitan ang bronze medals, 4th and 5th finish last SEA Games sa Vietnam. GOOD LUCK!