Advertisers

Advertisers

COMELEC GAME NA SA BGY. AT SK ELECTIONS

0 113

Advertisers

INANUNSYO ng Commission on Elections na 100% handa na sila para sa 2023 barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) sa darating Oktubre 30 ng kasalukuyang taon.

Sinabi ni COMELEC spokesperson Atty. John Rex Laudiangco na halos 92 milyong balota na gagamitin para sa halalan ay naimprenta na.

Ayon kay Laudiangco, ang natitira na lamang na gagawin ng Comelec ay ang pag-imprenta ng karagdagang balota para sa mga bagong botante at para sa mga na-reactivate na 1.6 milyon.



Ang pag-iimprenta aniya ay kayang tapusin sa loob ng tatlong araw.

Batay sa pinakahuling numero na naunang inilabas ni Laudiangco, mayroong 2,076,491 ang nagproseso ng kanilang pagpaparehistro sa pamamagitan ng regular na proseso, habang 8,651 ang nagparehistro sa pamamagitan ng Registration Anywhere Project.



Ang pinakahuling mga numero ay nagdala sa kabuuang bilang ng mga nagparehistro sa 2,085,142 para sa 2023 barangay at Sangguniang Kabataan elections.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">