“Pabakunahan ang inyong mga anak” – Mayora Honey
Advertisers
SA pang-ilang ulit na, ay muling nanawagan si Manila Mayor Honey Lacuna sa mga magulang at guardians na pabakunahan ang kanilang mga anak o alaga dahil ang bilang ng mga tumanggap na ng primary vaccination sa mga batang edad lima hanggang 11 ay hindi pa umaabot sa 50 percent nt targeted number o katumbas ng 168,446.
Kaugnay din nito ay nanawagan din siya sa mga senior citizens na magpabakuna ng primary o booster shots at gayundin sa mga edad 18 hanggang 59 na magpa-booster na, lalo na’t sila ang madalas na lumalabas.
Ginawa ng alkalde ang apela dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 kamakailan at ito ay base sa bilang na natatanggap ng city’s health cluster.
“Vaccination is still the solution. Tumataas po ang mga kaso, kaya bigyan po natin ng proteksyon ang mga alaga nating ‘chikiting’ sa bahay,” pahayag ng alkalde sa kanyang apela.
Ayon kay Lacuna, habang ang bilang ng mga senior citizens na nakakuha na ng first dose ay mahigit 95 percent, ang bilang naman ay bumaba sa 86 percent pagdating sa when booster shots, kung saan 60 percent lamang ang naitala para sa first at 20 percent naman para sa second booster.
Pagdating naman sa mga batang ang edad ay lima hanggang 11, ang bilang ng mga nakatanggap ng primary shots ay ‘di pa umabot ng 50 percent.
Maganda naman ang bilang na naitala sa mga minors o edad 12 hanggang 17, figures are dahil nakapagtala sila ng 100 sa primary shots, pero ten percent lamang ang kumuha ng first booster.
Sa mga 18 hanggang 59 naman, nakapagrehistro ito ng 100 percent sa first at second dose. Gayunman ang bilang ay bumaba sa 65 percent para sa first booster at tanging eight percent lamang ang nagpabakuna ng second booster.
“So, mga lolo at lola, mommy at daddy, kayo pa naman ang laging gala nang gala, di kayo mapalagay sa bahay. Please, bago kayo gumala, magpunta muna kayo sa health center at magpabakuna,” sabi ni Lacuna.
Binigyang diin ni Lacuna na ang kanyang apela ay nakatuon din sa mga tinuturing na ‘high risk individuals’ such tulad ng senior citizens, pregnant women, immuno-compromised at mga may comorbidities. (ANDI GARCIA)