Advertisers
ISANG panalo nalang ang kailangan ng Denver Nuggets para makapasok sa NBA Finals sa unang pagkakataon ng franchise history.
Tinalo Nuggets ang Los Angeles Lakers 119-108 sa Game 3 nitong Linggo (oras sa Pilipinas) para sa 3-0 na bentahe sa Western Conference finals.
Maari nilang tapusin ang serye sa Game 4 sa Martes sa mismong bakuran parin ng Lakers bandang 8:30 ng umaga.
Simula nang pumasok sa NBA simula sa ABA noong 1976, ag Nuggets ay apat na beses naring nakapasok sa conference finals pero natalo sa Seattle noong 1978 at sa Lakers noong 1985, 2009 at 2020.
Nakuha ng Lakers ang lamang 85-84 sa huling 11:00 minuto ng fourth quarter, pero umabante uli ang Nuggets gamit ang kanilang solidong opensa at depensa.
Nanguna si Jamal Murray sa scoring sa Nuggets sa muling paggapi ng Denver sa Lakers at nangailangan nalang ng isang hakbang para makapasok sa NBA Finals.
Nagpatuloy lang si Jamal Murray sa Game 3 kungsaan niya tinapos ang Game 2 – sa paggawa ng mga puntos. Nagbuslo ito ng 17 puntos sa 1st quarter at nagpasok ng 23 sa 4th quarter nung Biyernes at tumapos na may game-high 37 points, 7 rebounds at 6 assists.
Nakapagtala si Murray ng 74 puntos sa nakaraang dalawang laro. Habang hinihigpitan ng Lakers ang depensa laban sa two-time Nuggets MVP center Nikola Jokic, nakakawala naman si Murray para sa pag-operate ng opensa.
Dinomina ng Nuggets ang fourth quarter, iniwan ang Lakers ng 35-26, at nakatanggap ng mga kailangang puntos mula kay Jokic, Kentavious Caldwell-Pope, Bruce Brown at Michael Porter Jr.
Si Jokic ay naglarong may apat na foul at hindi nakagawa ng triple-double tulad ng nagawa niya sa unang dalawang laro sa serye pero nakapagtala siya ng 24 puntos, 8 assists at 6 rebounds, kabilang ang 15 puntos sa the fourth quarter.
Si Porter ay nakapagbuslo ng 14 points, 10 rebounds at 6 assists; habang Caldwell-Pope ay nag-amot ng 17 points at si Brown nagdagdag ng 15 points, 5 rebounds at 5 assists mula sa bench.
Malabo nang makapasok sa NBA Finals ang Lakers. Wala pang team sa NBA history ang nakabangon mul sa 3-0 deficit para mapanalunan ang best-of-seven series. Tatlong team palang ang nakapuwersa ng Game 7 matapos matalo sa kanilang unang tatlong laro, at ang Portland Trail Blazers noong 2003 laban sa Dallas ang huling team na nakagawa nito.
Nanguna si Anthony Davis sa Los Angeles na may 28 points at 18 rebounds, at si LeBron James ay mayroong 23 points, 12 assists at 7 rebounds. Ang Lakers ay nakapagpasok lamang ng 45.2% mula sa field at 31.3% sa 3-pointers. Dahil ito sa pader na depensa ng Nuggets.