Advertisers
NAPANATILI ng Amerikanong si Devin Haney ang kanyang undisputed lightweight world title nitong Linggo (oras sa Pilipinas), ginapi ang dating kampeon na si Vasiliy Lomachenko ng Ukraine via unanimous decision sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, USA.
Ang matinding 12-round na bakbakan na kinakitaan ng mahigpit na iskoran sa bawat round ay lumabas na si Haney ay nakalamang sa lahat ng tatlong scorecards, binigyan ng judges ng 116-112, 115-113, 115-113.
Ang 24-anyos na wala pang talo na Haney, nag-improve sa 30-0 na may 15 knockouts, ay nagsimulang agresibo sa laban para panalunan ang unang round.
Pero ang beteranong si Lomachenko, 35, ay nagawang makapag-adjust at nakapatama ng ilang mabibigat na suntok sa 2nd at 3rd rounds, inuga si Haney ng solid uppercut sa third.
Nangibabaw uli si Haney sa middle rounds ng laban bago nakatapos ng malakas si Lomachenko sa harap ng crowd sa MGM Grand Garden Arena na sumisigaw para sa dating kamapeon.
Inuga ni Haney si Lomachenko ng kaliwang hook sa th round at patuloy na tumatama sa kanyang target sa pamamagitang ng counter-punching kahit na ang Ukrainian ay nakapatama ng maraming punches sa buong laban 124, laban sa110 ng American.
Ang panalo ay nagpanatili sa korona ni Haney sa World Boxing Association, World Boxing Council, International Boxing Federation at World Boxing Organization.
Naging undisputed lightweight world champion pagkatapos ni Pernell Whitaker noong 1990 sa pamamagitan ng lopsided decision laban kay George Kambosos sa Melbourne noong June 2022.
Bumalik si Lomachenko sa ring noong October ng nakaraang taon matapos mag-enroll sa territorial defense unit para sa Ukraine matapos salakayin ang kanyang bansa ng Russia.
Ang rekord ng beterano ay bumaba sa 17-3 na may 11 knockouts pagkatapos ng pagkatalo kay Haney.