Advertisers
PUSO,dugo, pawis,pondo,patriotismo at sakripisyo ang puhunan ng Gilas Pilipinas upang mabawing muli ang korona bilang hari ng basketball 5×5 sa Southeast Asia.
Di lang sa larangan ng basketball namuhunan ng hirap kundi sa lahat ng sport na sumabak at naka- medalya ang Pinoy athletes sa Phnom Penh .
Tampok sa naging pahirapang dinanas ng Team Philippines at iba pang nasyong kalahok sa naturang biennial meet ay ang pamamayagpag ng mga naturalized nilang players sa lahat ng medal events.
Garapalan kasi ang pagiging switik na host ng Cambodia sa ginaganap na 32nd Southeast Asian Games sa Phnom Penh.
At all cost ay kailangan mamayagpag sila sa pagsungkit ng medalya upang ipagmagaling sa rehiyon na sports power sila kahit hindi naman.
Pinagkagastusan nila nang husto ang pamimirata ng mga players mula kanluran upang katawanin ang bansang mahusay lang sa guerilla warfare tulad ng Vietnam.
Mga negrong ‘kano at caucasian European na suot ang unipormeng may bandila ng Cambodia ang isinabak ng kalahi ni Polpot kontra karibal na Asean nations tulad ng Pilipinas,Malaysia,T
hailand,Vietnam,Indonesia,Singapore,Myanmar ,Laos,Brunei at Timor Leste.
Ang mga bansang nabanggit ay mayroon ding naturalized players na isa o dalawa pero ang Cambodia,halos lahat ng sports ay may naturalized sila at ang pinalamatindi,sa basketball ay lima ang ginawang Cambodian nationals na egoy at puti.
Resulta..hataw sa medal tally ang dating laging kulelat na Cambodia at nilagpasan pa ang Pilipinas sa medal standing courtesy ng kanilang pinagkagastusan nang husto na naturalized players.
Pilit silang nagpalakas partikular sa larangan ng basketball.Ang siste,wala pala silang standard na basketball court.Imagine,ang flooring na dapat ay hardwood,nilagyan lang ng linoleum ang sahig na lubhang delikado sa mga manlalaro na baka maging career ending habang nakkipagtutunggali para sa kanilang bansa.
Lubhang delikad magingpara sa Gilas Pilipinas na may mga kinabukasan sa basketball na masisira lang dahil sa kagagawan ng host.Naging unang casualty doon si Gilas Calvin Oftana.
Dapat din ay nag-ocular muna ang mga opisyal ng Gilas Pilipinas maging ang ibang bansa kung FIBA standard ang kanilang playing venue para naayos sana ang basketball arena sa Phnom Pwnh bago ang SEAGames.
Hindi iyong sasabihin na lang ni coach Chot Reyes na yayakapin na lang nila ang io- offer ng dating Kampuchea kahit delikado..Nampuchea naman…tsot’maryosep!Buti nagkampeon ang
Gilas Pilipinas at anglahat ng atletang Pinoy na nagkamedalya and its water under the bridge na.
Layon kasi na bigyang ng tsansa ang host lalo ang mga bagitong bansa na humakot ng medalya kaya okey lang na dagdagan ang events na liyamado sila upang mamayagpag naman sa madal tally.
Pero terible ang ginawa ng dating Kampuchea, win at all cost kahit ang mga players nito ay mga negro at europeo at walang homegrown sa bakbakan.Itigil na ang ganyang kabalbalan sa sunod na SEAGames .
ABANGAN! Gilas Pilipinas..Mabuhay kayo!!!Mabuhay! Shoutout sa mga nasa likod ng mabungang kampanya ng Team Philippines ..Philippine Olympic Committee,Philippine Sports Commission,Senate Pres.Migz Zubiri,Sen. Francis Tolentinoeno.Bong Go,Pang.Bongbong Marcos at Sambayanang Pilipino..Mabuhay Kayo!