Advertisers
Ni JOVI LLOZA
HINDI nga lang si Rhian Ramos ang bff ng Miss Universe Philippines 2023 na si Michelle Dee sa rebelasyon ng anak ni Melanie Marquez.
Kahit ang netizens ay gulat din sa ipinagtapat ni Michelle.
Wala naman kasi sa datingan at awrahan ni Michelle na ganun siya sa kanyang isiniwalat.
Kahit nga si Rhian ay di rin makapaniwala sa tsika ng kaibigan.
Kaya shocking talaga ang netizens at mga kaibigan ni Michelle.
Kunsabagay wala naman daw masama kung umamin si Michelle na isa siyang bisexual.
Sa kabila ng pag-amin ni Michelle ay kahit ano pa nga raw itong rebelasyon ay mahal pa rin ni Rhian ang kanyang kaibigan at tanggap nito ang pagiging bisexual ng bff.
Nangingiti na nga lang ang mga malalapit kay Michelle at di makapaniwala sa kanyang rebelasyon.
***
Reunion film nina Marian Rivera at Dingdong Dantes posible
MAGIGING hectic ang schedule ni Dingdong Dantes na bukod kasi sa Amazing Earth at Family Feud ay madaragdagan ang kanyang mga TV hosting projects sa bakuran ng GMA-7.
Isa sa siniguro nito ay magkakaroon siya ng movie entitled Firefly na may magandang karakter na gagampanan kaya niya tinanggap ang offer under GMA Public Affairs.
Di man kinumpirma ng TV Host actor, may mga sitsit na may reunion movie sila ni Marian Rivera. Balita pa nga na pang-Metro Manila Film Festival 2023 ang reunion movie nila ng kanyang wifey.
At sila rin ang magpoprodyus ng balitang balik tambalan nila.
Well, well, well…’Yun na!