Advertisers

Advertisers

INUTIL ANG PBBM GOV’T VS E-SABONG OPERATION!

0 1,339

Advertisers

INUTIL ANG PBBM GOV’T VS E-SABONG OPERATION!

SA kasaysayan ng halalan sa Pilipinas, si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kundi man top o number one ay may pinakamaraming naitalang boto mula sa mahigit sa 30 milyong Pinoy.



Kung ang pagbabasehan ay ang ipinakitang walang kapantay na suporta sa nakaraang election ng taumbayan para manalo si PBBM, anak ng dating diktador na Ferdinand Edralin Marcos, ay patunay ito na malaki ang tiwala ng voting population na magagampanan nito ng mahusay ang kanyang trabaho.

Ngayong si Junior na ang lider ng bansa, tila nagkamali ang mahigit sa 30 milyon na botante dahil ang inaasahang magaling na pamamahala ay hindi pa nakikita at narararamdaman sapagkat mistulang bulag, pipi at bingi ang kasalakuyang liderato sa mga daing at reklamo ng sambayanan.



Hindi man aminin ng mga tagapayo ng pangulo, pero hindi maikukubli ang katotohanang nagsusulputan ang mga samu’t-saring problema dahil sa makukupad na opisyales ng Marcos administrasyon.

Walang duda ang sensiridad ni PBBM sa pagganap sa kanyang tungkulin bilang AMA ng bansa, pero ang kanyang pamunuan ay napupulaan dahil sa tila mali nitong desisyon sa pagtatalaga sa mga opisyales na bumubuo ng kanyang mga ahensya at departamento ng gobyerno kasama na dito ang kanyang gabinete.



Kundi man makupad o hindi alam ang trabaho ay malinaw na ayaw na gampanan ng maraming opisyales ng ibat ibang ahensya ng kasalukuyang pamahalaan ang kanilang responsibilidad bilang appointed authority na ang mandato ay maglingkod sa sambayanan.

Isang sangay ng gobyerno na hindi nararamdaman ng bayan ang mandato ay ang kasalukuyang liderato ng Philippine National Police (PNP) na kung di man pinaka-korap ay isa sa pinaka-tiwaling ahensya na ka-level na ang Bureau of Customs at Bureau of Internal Revenue.

Sa kasalukuyan ang PNP na pinamumunuan ni PDG Benjamin Acorda Jr. ay nahaharap sa imbestigasyon sa senado dahil sa pagkakasangkot ng ilang senior official sa kontrobersyal na Php 6.7B na shabu haul na nangyari noong Oktubre 2022.

Nariyan din ang multi-bilyon vice payola racket sa illegal gambling, illegal drug, smuggling at paihi (oil and petroleum pilferage) sa Region 4-A at Region 3 at iba pang rehiyon sa bansa na ang mismong mga nasasangkot ay mga opisyales din ng pambansang kapulisan.

Isa pang suliranin na hindi natutugunan kaya nagmumukhang INUTIL ang Marcos leadership, dahil sa mga concerned government agency gaya ng PNP na dapat tumutok sa patuloy na pamamayagpag ng E-Sabong na isang digital illegal gambling operation ay hindi ginagawa ang kanilang trabaho.

Ang E-Sabong ay nakilala noong panahon ng pandemic na ang regulated cock fighting ay ipinagbawal sa mga lisensyadong sabungan dahil sa matinding problema sa pandaigdigang pandemya.

Bukod sa mabigyan ng pagkakataong maglibang, sumaya, maibsan ang mga alalahanin at pangamba ng sambayanan ay nagbigay din ng malaking buwis ang E-Sabong sa kaban ng pamahalaan bukod pa sa naging instrumento ito para matulungan ang maraming may karamdaman sa pamamagitan ng free medical check-up at pagbibigay ng ayuda.

Pero kalaunan, mula sa taguring asset ay naging malaking problema ng gobyerno ang E-Sabong matapos na mawala hanggang ngayon ang may 32 sabungero na nakipagpintakasi sa sabungan sa Laguna at Maynila na pinaniniwalaang ipinadukot at ipinapatay ng isang maimpluwesnyang negosyanteng Intsik na bukod sa may interes sa E-Sabong ay kilala pang sabungero at lider ng sindikato.

Sa kadahilanang ito na pinalala pa ng panawagan ng ibat ibang sektor na ipahinto ang E-Sabong pagkat ugat din ito ng pagbaba ng moralidad ng maraming Pinoy bukod pa sa di mabilang na mga nalululong at nakakagawa ng krimen ay maraming pamilya ang nasira kayat nagdesisyon ang noo’y Pres. Rodrigo Duterte na putulin na ang operasyon ng E-Sabong.

Nasundan din ang pagbabawal sa operasyon ng E-Sabong sa ipinalabas na Executive Order No. 9 ni PBBM noong January 2022 na nag-uutos ng ganap at tuluyang pagbabawal sa nasabing digital gambling.

CHOLO AT LUMBAD SINUWAG SI PBBM!

SA kabila ng pagbabawal ni Pangulong Ferdinand “Bongbon Marcos Jr. sa operasyon ng E-Sabong sa bisa ng EO #9 ay may mga indibibwal na napakalakas ng loob na mag-operate pa din ng iligal E-Sabong business gaya ng isang nagngangalang alyas Cholo at Lumbad na ang sentro ng operasyon ay sa isang malaking sabungan sa Bulacan.

Palibahasa’y bihasa na sa paggawa ng krimen, tulad ng pamumuno sa grupo ng sindikatong buriki, paihi, patulo at pasingaw (oil at petroleum product pilferage) na ang pagnanakaw ay ginagawa sa kalakhang Luzon, partikular sa Limay at Mariveles, Bataan, Bulacan at Pampanga ay napakalakas ng loob ni Cholo na paulit-ulit na labagin ang batas.

Dahil na din sa malalim na koneksyon nito sa PNP at Armed Forces of the Philippines (AFP) kaya sa ayuda ng IP expert na si Lumbad ay tuwirang sinuwag ng mga ito ang lideratong Marcos at binastos din ang pamunuan ni PNP Chief Benjamin Acorda Jr. at sa nakasasakop sa operasyon nitong lalawigan ng Bulacan, Bataan at Pampanga na nasa hurisdiksyon ni Region 3 PNP Director BGen. Jose Hidalgo Jr.

Bago nag-umpisa nitong June 1, 2023, ay dekada-dekada nang garapalang pag-ooperate ng Luzon-wide paihi o petroleum pilferage ang pamilya ni alyas Cholo at kilalang nasa likod din ng paihi o buriki operation sa Batangas, Cavite, Quezon at iba pang mga lalawigan sa CALABARZON at Region 3.

Hindi na nga naaksyunan ng PNP ang labag sa batas na paihi operation ni alyas Cholo ay dinadagdagan pa nito ang panghahamak sa batas at sa mga tagapagpatupad nito sa pag-ooperate ng iligal ding E-Sabong. Si Lumbad naman ay dating mahirap lamang na Tondo Boy na ang angking talino sa digital internet ay nagamit sa E-Sabong nang naging partner ng isang kilalang Chinese gambler na pinaghihininalaan ng mga pamilya ng 32 missing sabungero na nasa likod ng nasabing krimen.. Abangan ang karugtong…

***

Para sa komento: Cp. No. 09664066144.