Advertisers

Advertisers

ISA NA NAMANG ISKANDALO

0 110

Advertisers

‘DI pa man nakakaahon sa isakandalong bulsahan ng pera at shabu ang pambansang kapulisan, isa na namang iskandalo ang kinabilangan ng ilan miyembro nito, sa Angeles City , Pampanga, kung saan isang police station commander at anim niyang pulis ay sinakote ng kanilang mga kabaro dahil sa pangongotong at arbitrary detention ng 13 sibilyan noong nakaraang linggo.

Kapwa nila pulis na kasapi ng Philippine National Police (PNP) anti-scalawag unit ang umaresto kina station commander Maj. Marvin Aquino, M/Sgt. Romulo Meligrito, S/Sgts. Nikko Dave Marquez and Mark Steven Sison, and Corporals Richard Gozum, Diosdado Villamor Jr. and Jaypee Mangilit.

Sa ulat ni Brig. Gen. Warren de Leon, ang hepe ng Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) na siyang humuli sa pitong pulis, kasama sa hinuli ay isang civilian asset ng grupo na si Esmael Arviola na may bitbit pang 38-caliber revolver na may lamang apat na bala.



Ang pagkakahuli sa pitong pulis na ito ay bunsod ng sumbong ng anak na babae ng isa sa kanilang ‘isinupot’ dahil daw sa droga.

Sabi ng nagsumbong, humingi raw ang mga pulis na humuli sa kanyang ama ng P30K para maibaba ang kaso sa iligal na sugal na lamang at mabalewala na Ang kaso sa iligal na droga.



Trenta mil, para ibaba lang ang grado ng kaso? Magkano kung ibabasura pa?Matayog mangarap ang ‘magnificent seven’ na mga pulis na ito. Isa pa lamang yan. Eh kung mapapapayag nga naman ang kanilang mga huli, isipin niyo labing-tatlo ang mga ito, tumataginting na P390K ito.

Gahaman, ang tawag diyan, di po ba? Hatiin sa pito, lagpas limangpung libong piso kada isa ang matatanggap ng mga hitad.



Napag-alaman pa na ang labing-dalawa pang nakakulong ay wala man lang ni isang kaso na naihahabla laban sa kanila.

Dahil sa ulat ng IMEG, nang kanilang inspeksiyunin ang presinto, wala man lang record ang mga pulis Angeles, kung ano ang mga kaso ng kanilang mga preso.

Ano ba iyan! Hindi lang suspension ang dapat maihambalos sa mga pulis na ito. Sila ang sumisira sa imahe ng PNP. Sigurado naman akong mangilan-ngilan lamang ang mga ganitong tiwaling pulis. Buti na lamang at may IMEG ang kanilang hanay. Kundi, isa na namang malaking iskandalo ito.