Advertisers

Advertisers

NOT MY CUP OF TEA

0 285

Advertisers

Nakatutuwang malaman na kahit di pala tayo napapagawi sa lungsod ng Paranaque partikular na dyan sa city hall ay napag- uusapan pa rin tayo.

Isang magandang araw nga pala sa masipag at mabunying alkalde ng nasabing siyudad na si Hon.Eric Olivarez.

Good Morning po mayor sir!



Good morning din po pala sa kaibigan nating si Paranaque City Treasurer Anthony Pulmano.

Speaking of Treasurer Pulmano who happens to be one of our Facebook friends,nais lamang po natin iparating sa mabait na tresurero na wala pong katotohanan na nanghihingi ang inyong abang lingkod kay Sir Anthon ng kahit ano mang pinansiyal na pabor.



Ang impormasyon pong nanghihingi tayo ng malaking halaga kay Treasurer Pulmano ay ipinarating sa ating kaalaman ng isa sa ating mga reliable sources (Alpha) kamakalawa ng hapon.

Detalyado po ang nakarating na info sa atin patungkol sa malaking halagang umano’y hinihingi ng inyong lingkod.



Di po totoo ‘yan Sir Anthon at di rin natin maarok kung kaninong bibig nyo po narinig ang tungkol dyan.

In the first place,wala po sa estado ng inyong abang lingkod na mag- demand sa isang taong ating iginagalang at hinahangaan.

Para po sa kaalaman ng ating minamahal na Tresurero,bagamat ordinaryong mamamahayag po lang si Mhel Jota,may payak po tayong negosyo bilang ating hanapbuhay.

Bukod sa nasa buy & sell business po tayo ng mga sasakyan gaya ng kotse at motorsiklo,may maliit rin po tayong construction firm na personal po nating pag- aari at walang kasosyo.

Passion po natin ang pagsusulat at broadcasting.

Bukod sa ating pitak o kolum sa Police Files Tonite, may pag- aari rin po tayong weekly newspaper na MATA NG MASA .

May sarili rin po tayong recording studio kung saan masinop nating naipundar para pagdausan ng ating livestreaming programs.

Hindi po natin naging ugali na gamitin ang banal na propesyon sa media para sa panghihingi o extortion activities at mga katulad na pandodorobo.

Simple lamang po tayong manunulat ngunit pinangangalagaan po natin ang ating ordinaryo at payak na pangalan na ‘wag madungisan ng ano mang isyu na di kanais- nais.

Hindi po tayo galit o nagtatampo dito kay Treasurer Pulmano dahil batid natin na siya rin mismo ay target ng kung sino mang Herodes na nagpalutang ng ganitong senaryo.

May suspetsa na po tayo kung sino ang nasa likod ng katarantaduhang ito ngunit hayaan po muna nating makalap ang mga sapat at solidong ebidensiya na magdidiin sa tao o mga taong ito.

Hindi po natin naging ugali na magkamal ng salapi na di natin pinagpawisan, much more galing sa pandurugas (AC DC).

Kung sumulat man tayo ng pabor (PR) sa isang opisyal o grupo ng mga indibidwal,ito ay bahagi ng ating tungkulin at obligasyon bilang mamamahayag at di naghihintay ng ano pa mang sukli o monetary considerations.

Di sa tayo ay nagmamalinis, but simply it’s not really “our cup of tea”.

Tinalakay po natin ang isyung ito di para maghanap ng mga taong kokondenahin o sisisihin kundi bagkus iiwas at hadlangang maging biktima ng mga ganitong MODUS ang mismong taong ating hinahangaan at nirerespeto.

At kung dumating man ang araw na tayo ay mangangailangang lumapit para sa isang pabor kanino mang opisyal o kaibigan,gagawin natin ito ng personal at may dignidad.

Walang pilitan o brasuhan dahil ang isang kaibigan ay hindi kailanman ginaganyan.

Uulitin po natin,hindi po nanghihingi ng ano mang bagay o pabor ang inyong abang lingkod kanino man at di natin gagamitin ang ating propesyon bilang mamamahayag sa mga ganitong lihis at nakakahiyang pamamaraan.

Rest assured Treasurer Pulmano na tunay na kaibigan ang turing ko sa iyo.

Kaibigang nirerespeto,minamahal at iniingatan.

Nawa’y naliwanagan na ang lahat patungkol sa isyung ito.

Kung sino man ang nagnais at nagplanong magpalusot ay sorry na lamang kayo.

Bukayo na ang istilo nyong bulok!

Again,may idea na tayo sa grupong ito na bahagi ng isang elite media group na di na natin papangalanan pa.

Kung sino pa ang mga mukhang desente, ‘yun pa pala ang mga tunay na tulisan!

Kung sino pa ang mga nagbabanal- banalan ay sila pa pala ang mga tunay na makasalanan!

Nakalugmok at patuloy na namumuhay sa pagbabalatkayo!

Hay naku hindi kayo makakaisa!

Mga tampalasang animal!

Di ba Bosing J.A.?

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com