Advertisers

Advertisers

2 PULIS PATAY, 4 SUGATAN SA AMBUSH!

0 139

Advertisers

NASAWI ang dalawang pulis at 4 ang sugatan nang tambangan ng mga armadong lalaki habang pabalik ng kampo matapos magpatrulya sa Shariff Aquak, Maguindano del Sur.

Kinilala ang dalawang nasawi na sina Patrolman Saipoden Shiek Macacuna at Patrolman Bryan D Polayagan, habang ang mga sugatan na kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa ospital ay sina Pat. Arjie Val Loie C. Pabinguit, Pat. Abdulgafor Alib, SSg Benjie Delos Reyes, at CMS Rey Vincent B. Gertos na pawang nakatalaga sa Provincial Mobile Force Company, Maguindanao Del Sur.

Sa report, 8:30 ng gabi naganap ang pananambang sa Barangay Poblacion, Shariff Aguak habang pabalik ng kampo sa Maguindano Police Provincial Office sa Camp Datu Akilan, Shariff Aguak ang mga biktima sakay ng PNP marked vehicle.



Nasawi noon din ang dalawang pulis sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa katawan, at pagkakasugat ng 4 iba pa. Mabilis namang tumakas ang mga salarin.

Ang mga rumesponding elemento ng PMFC MDS PPO at 41st Special Action Force ang nagdala sa mga sugatang pulis sa ospital.



Nagsagawa na ng pagtugis ang mga elemento ng SAF laban sa mga tumatakas na mga salarin.(Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">