Advertisers

Advertisers

Biktima pinaliguan ng kulong tubig… OSPITAL SINISI SA DEHYDRATED NA SANGGOL SA MARIKINA!

0 26

Advertisers

Sinisi ng pamilya ang ilang doctor sa Amang Rodriguez Medical Center sa umano’y “dehydrated” ng sanggol sa Marikina City.

Ayon sa pamilya, isinugod ang sanggol na si alyas “Marcus” isang taong gulang matapos mapaliguan ng pinakulong tubig ng Yaya nito na si alyas “Ruby” 57-anyos ng Malanday Marikina.

Sa pahayag ng mag-asawang Daphine at Mark, lapnos ang kalahating katawan ng bata at ang Yaya ay 2 araw pa lamang umano na ninilbihan sa kanila.

Mabilis na naisugod sa ospital ang sanggol at nabigyan ito nang pangunahing lunas.

Dagdag ng pamilya, makalipas ang 2 araw isang Dr. Racadio ng Burn Unit na attending physician ng bata.

Kailangan umano itong isa lang sa “Scraping” o kakayurin ang mga nasunog na balat dahil hindi umano kaya ng bata ang pain kailangan itong bigyan ng pampatulog.

Sumang-ayon naman ang magulang ng bata at dahil dito, dapat 24 oras umano na hindi pakainin ang pasyente bago isa lang sa naturang prosedure.

Ayon sa magulang ng bata, makalipas ang 24 oras isang doctor o resident doctor physician ang nagsabi umano na padedrhin ang sanggol at dehydrated na ito.

Ang pinakamasakit na bahagi ayon sa pamilya makalipas ang 2 araw saka sinabi ng Amang Rodriguez Medical Center Management na hindi nila kaya ang gagawing prosedure.

Hanggang isinusulat ang balitang ito, nasa ospital pa ang bata at hindi pa din ikino-cordinate sa doctor sa ibang ospital tulad ng pangako.

Sinabi din umano ng pagamutan na 30 % degree burn lang ang kaya nila at nangangailangan ang pasyente ng 40% degree burn para ito mabigyan lunas.

Ayon pa sa pamilya kapos sila sa penansyal na usapin kaya’t hindi ito madala sa prebadong pagamutan dahil gagastos umano ito ng P1 milyong peso. (Edwin Moreno)