Advertisers

Advertisers

UCC College of Law, Nagtala ng 72.73% Passing Rate sa 2025 Bar Exams

0 98

Advertisers

Muling pinatunayan ng University of Caloocan City–College of Law (UCC-COL) ang husay nito sa Philippine Bar Examinations matapos makapagtala ng 72.73 porsiyentong passing rate sa 2025 Bar Exams, mas mataas kaysa sa 48.98 porsiyentong national passing rate.

Nakalikha rin ang UCC-COL ng 16 na bagong abogado, ang pinakamaraming Bar passers sa kasaysayan nito bilang isang batang institusyon ng legal na edukasyon. Ito ay patunay ng patuloy at mahusay na performance ng kolehiyo sa isa sa pinakamahirap na licensure examinations sa bansa.

Nagpaabot ng pagbati si Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan sa mga bagong abogado at inilarawan ang tagumpay na ito bilang isang karangalan hindi lamang para sa UCC kundi para sa buong lungsod ng Caloocan



“Congratulations sa ating mga bagong UCCian lawyers! Pinasasalamatan at binabati rin natin ang buong UCC-College of Law sa pagkakamit ng 72.73 porsiyentong overall passing rate at sa patuloy ninyong paghubog sa mga mag-aaral upang maging mahuhusay na abogado,” ani ni Mayor Along.

“Sa ating mga bagong abogado, kayo ay patunay ng sipag, talino, at determinasyon ng Batang Kankaloo. Nawa’y gamitin ninyo ang inyong kaalaman at kakayahan sa tapat at may integridad na paglilingkod sa bayan,” dagdag pa ni Malapitan.



style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">