Advertisers
May nasagap tayong balita patungkol sa kaduda-dudang bidding process sa DOTr para sa 5.2 million plastic cards ng driver’s licenses.
Ang dalawang bidder na nasa gitna ng isyung ito ay ang Allcard Inc. (ACI) at Banner Inc. Mayroong mga nagsasabi na ang pinapaborang contractor daw umano ay malakas ang koneksyon sa mga kasalukuyang nakaupo sa posisyon.
Hindi raw patas ang labanan dahil mukhang sa umpisa pa lang ay alam na kung kanino ibibigay ang kontrata, kahit na kitang-kita naman daw ang pagkakaiba sa laki ng presyo.
Ang Banner, Inc. ay mayroong bid offer na Php 42.00 kada card, samantalang ang ACI naman daw ay may bid offer lamang na Php 33.88. Mahigit Php 8.00 din ang pagkakaiba ng dalawang nasabing bidders.
Ang tanong: May kakaiba bang feature ang card na mas mahal halos Php 8.00? Wala naman daw!
Sa katunayan, ang kumpanyang nag-bid offer ng mas mababang presyo ay kilalang may good standing sa mga kasalukuyang kontrata nito. Pero sa kasamaang palad, tila wala talagang patas na laban kung koneksyon ang papairalin.
Kung tuluyang mapipili ang Banner Inc., mukhang marami raw ang makikinabang sa hundred-million peso government contract na ito, pero hindi kasama ang mamamayang Pilipino rito. Sa huli, tayo na naman ang lugi.
Paano ka nga naman lalaban sa bidding ng patas kung ang koneksyon mo sa loob ay napakalakas?