Advertisers

Advertisers

‘PASAWAY’ NA GERMAN NATIONAL, TIMBOG SA ‘OPIUM POPPY SEEDS’

0 232

Advertisers

SA halip na makipagtulungan at sumunod sa batas trapiko ay nakipagmatigasan pa ang isang dayuhang Aleman dahil sa paglabag sa number coding hanggang sa kalaunan ay nadagdagan pa ang kaso nito matapos na matuklasan ng mga tauhan ng Public Safety Department (PSD) na nag-iingat ang una ng ilegal na droga sa lungsod ng Makati.

Sa ulat na natanggap ni PBGen Kirby John Brion Kraft,District Director, Southern POlice District (SPD ) ay nakilala ang naarestong German national na si Kuecuekboga Sueleyman, 37 taong gulang,

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naispatan ng mga awtoridad ang Aleman sa panulukan ng Arnaiz Ave at Pasong Tamo sa Brgy. Pio Del Pilar, Makati City bandang 11:30 AM ng Hunyo 15, 2023 (Huwebes) kaya’t pinara siya nina PSD Diego at PSD Espino, dahil sa paglabag sa number coding ng kanyang sinasakyang kulay puting Duramax Chevrolet.



Sa halip na makipagtulungan nang hiningi ang kanyang lisensya at rehistro ng sasakyan ay tumanggi siyang makipagtulungan at naging masungit sa traffic enforcers.

Agad namang humingi ng tulong ang mga tauhan ng PSD sa San Isidro Police Sub-Station para patahimikin ang suspek ngunit patuloy itong nanlaban at tumanggi na ipakita ang kanyang lisensiya sa pagmamaneho dahilan upang arestuhin ito ng mga awtoridad.



Sa procedural body search na isinagawa sa San Isidro Sub-Station ay natuklasan ang 16 na sachet na naglalaman ng hinihinalang Opium Poppy seeds (Papaver somniferum) mula umano sa suspek. Kasama sa iba pang mga bagay na nakuha bilang ebidensya ang iba’t ibang electronic device, mga dokumento ng pagkakakilanlan, isang itim na Lenovo laptop, isang susi ng kotse para sa sasakyan nito at cash na nagkakahalaga ng P102,520.00.

Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Makati City Custodial Facility at mahaharap sa mga reklamong paglabag sa Art. 151 ng Revised Penal Code (RPC).



“Patuloy naming ipapatupad ang batas sa lahat ng pagkakataon. Kahit anong nasyonalidad basta ikaw ay lumabag sa batas ditto sa bansa ay hindi kami mangingiming ipatupad ano ang nararapat”ayon kay DD Kraft. (JOJO SADIWA)