Advertisers

Advertisers

VIP Treatment at Kotong sa Pasig Jail; Ayuda ng Seniors sa Bulacan, Naiipit?

0 5

Advertisers

PASIG CITY — Isang seryosong sumbong ang nakarating sa ating tanggapan hinggil sa tila umiiral na “VIP system” at extortion sa loob ng Pasig City Jail. Ayon sa ating source, tila may kalakaran kung saan hinihingan ng ?7,000 ang mga bagong bilanggo kapalit ng “proteksyon.” Kung hindi makapagbibigay, tiyak na may mangyayaring masama sa loob ng selda.

Nanawagan tayo kay Mayor Vico Sotto at sa Pasig Chief of Police: Pakisuyong imbestigahan ang tila sindikatong ito sa loob ng kulungan. Mayor, kilala kayo sa pagiging anti-corruption; huwag nating hayaang madungisan ang inyong lungsod ng mga opisyal o “mayor” ng selda na nanamantala sa mga kapiit-bisig nating walang kalaban-laban.

BULACAN — Hindi rin nagpahuli ang hinaing ng ating mga Senior Citizen sa San Jose del Monte (SJDM). Ayon kay “Juan Dela Cruz,” tila naiipit ang kanilang ayuda dahil sa hidwaan sa pagitan ng lokal na pamahalaan at ng kapitolyo.
Sa ilalim ng batas, may nakalaang budget para sa ating mga nakatatanda. Bakit sa ibang bayan ay natatanggap ang ?1,000 hanggang ?1,500 quarterly, pero sa SJDM ay kailangan pang magmakaawa?



Paging Gov. Daniel Fernando at Mayor Rida Robes: Sino po ba ang nagsasabi ng totoo? Huwag nating hintaying mamatay ang kabayo bago dumating ang damo. Ang Universal Social Pension ay para sa lahat—may SSS/GSIS man o wala. Aksyon, hindi turuan, ang kailangan ng ating mga lolo at lola!

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">