Advertisers

Advertisers

Christi gumawa ng kanta para sa mga pekeng kaibigan

0 259

Advertisers

Ni JULIE E. BONIFACIO

WISE move ang ginawa ng mga namamahala sa singing career ni CHRISTI. Una siyang nakilala bilang Bubble Gum Pop Princess na si Christi Fider.
Syempre, nag-mature na si Christi as an artist. Kaya kailangan ng bagong pakete for her. At sa pagbabagong imahe ni Christi, ipinakita niya ang bago niyang “tunog” sa ginanap na launch ng carrier single niya titled “Reyna.”
Ang “Reyna” ay bahagi ng EP (extended playlist) album ni Christi.
Pahayag ni Christi, “Yung carrier single ko titled ‘Reyna’ ang ginawang theme song ng bagong show ng ABS-CBN sa YouTube na tungkol sa mga drag.
“Reyna’ is all about loving yourself, being confident, and not giving a f*** about what others think. Ako ang reyna ng mundo ko.
“In 2023, my goal isn’t to be skinny anymore but to be healthy and confident. I’m still in the process of loving myself, but I can say that this journey wouldn’t be hard because I’m surrounded by inspiring people,” confident na pahayag ng Star Music artist.”
Bukod sa kantang “Reyna,” ini-record din ni Christi ang kantang “Fake,” “3rd Street” at “Breakthrough” na ini-release ng Manic Media.
Si Christi rin ang nagsulat ng kanta niya na “Fake” gaya ng “Reyna.” At tsika nya, ang “Fake” na kanta raw niya ay para sa mga pekeng kaibigan.
Kahit malapit si Christi sa members ng LGBTQIA, sure pa rin siya sa kanyang kasarian. Type pa rin niya ang guys not gays to be her partner in life.
When we asked Christi kung mabibigyan siya ng korona bilang “reyna,” medyo napa-isip siya.
Maybe next time we will see each other again, may naisip na siya kung anong kaharian ang kanyang pagiging reyna. Anyway, si Christi ang tinanghal na Best New Female Recording Artist sa nakaraang Star Awards for Music ng PMPC (Phil. Movie Press Club) para sa kantang “Teka, Teka, Teka” na sinulat ni Joven Tan.
***
SHIRA TWEG BABU SHOWBIZ NA PAG PUMASOK SA
MILITARY?
PINAKITA ng baguhang singer na si Shira Tweg ang kanyang pagiging propesyonal. Sa launch ng kanyang debut single na “Pagibig,” the show must go on pa rin si Shira sa kabila ng kanyang karamdaman that day.
Nagkaroon ng acid attack si Shira during her performance sa launch ng kanyang first single na ginanap sa Music Box sa may Timog, Quezon City.
In fact, nasusuka na raw siya habang nasa stage ng Music Box pero pinipigilan lang niya.
Ayon kay Shira, “Masama po ang pakiramdam ko since Wednesday. Kasi po I was vomiting at 3 am. I woke up, nilalaganat po ako. I really push myself to come here po kasi ginusto ko po talaga ‘to. So, syempre kapag gusto mong gawin ang isang bagay you’ll do everything kahit masama ang pakiramdam mo, kahit marami kang problema, you’ll still do it. Kasi, you have to be professional.”
Ang debut single na “Pagibig” na kanta ni Shira ay nilikha ng award-winning composer na si Joven Tan.
Para sa kanya ang tema ng kanta niya na “Pagibig” ay ‘di lamang para sa isang romantic relationship.
“Actually po, love is not all about relationships. It’s also about family, friend, kahit ‘yung mga minamahal mo’ng pet, anything. You could love anything. So, it’s not all about boyfriend-girlfriend, mga ganyan. It could be anything,” paliwanag niya.
Bago pa man i-launch si Shira as a singer, nakagawa na siya ng dalawang pelikula.
Una, ang “Sugat sa Dugo” at ang huli ay sa biopic ng singer/composer na si Rey Valera, ang “Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko.” Dito gumanap si Shira bilang batang Sharon Cuneta.
“Yes,” ngiti niya. “Ang unang movie ko po is ‘yung ‘Sugat sa Dugo.’ I’m really, really thankful po na syempre as a new artist, marami na ako agad natatanggap na new project and I’m really thankful po na ano, mga nakukuha kong role is not uh, big roles po agad kumbaga. And syempre, marami pong new artists ngayon na hindi po nabibigyan ng chance. So, I’m really really thankful na ngayon pa lang as a new artist marami na po agad ako’ng natatanggap na big opportunities.”
Happy syempre si Shira na isa na siyang certified singer ngayon with the debut of her first single “Pagibig” na ini-release ng Star Music.
“Syempre po natutupad na rin po ang pangarap ko. Kasi since I was three years old po talaga how many times I said this sa lahat ng interviews na I feel so special po.
“Kasi maraming batang singers din po ang hindi po nabibigyan ng opportunity para gawin ‘yung mga gusto po nila. ‘Yung talent po nila as a singer or what and I’m really grateful that God gave me this chance to empower what I love,” lahad niya.
Shira just turned 16 last May 10. Half-Pinay at half-Israeli si Shira.
Present sa launching niya bilang pagpapakita ng support ang kanyang ama na taga-Israel.
May batas sa Israel na lahat ng citizens nila ay kailangang pumasok sa military sa edad na 18. At kabilang d’yan si Shira.
“Ayun po ang problema ko, actually. Kasi once nag-start na po ako’ng mag-military, I’ll have a break po sa paga-artista, to do the things that I love for like two years.
“Kaya po I’m still ano, pinag-iisipan ko pa po kung I will go or not. Kasi po syempre, this is my dream. Nasimulan ko na po and I can’t just say goodbye,” may lungkot na sabi ni Shira.
Pero sabi naman daw ng Daddy niya, pwede rin naman daw tumanggi na pumasok sa military kapag nag-18 na. Kaya nga lang may consequence na dapat harapin.