Advertisers

Advertisers

Water district exec kulong habangbuhay sa P11m ghost project

0 121

Advertisers

KULONG habangbuhay ang hatol ng Sandiganbayan sa dating general manager ng municipal water district sa Lanao del Sur sa kasong ‘graft’ at ‘malversation’ na kinasasangkutan ng halos P11 milyon na pondo ng publiko na nakurakot sa pamamagitan ng isang gawa-gawang proyekto noong 2011.

Hinatulan ng anti-graft court si Jamaloden Faisal ng Tugaya Water District ng ‘reclusion perpetua’ sa kasong malversation.

Sinentensiyahan din si Faisal ng karagdagang 10 taon pagkakulong para sa kasong ‘graft’, ayon sa isang desisyon na ipinahayag Hunyo 23 at inilabas nitong Lunes.

Ang kanyang kapwa akusado, pribadong indibidwal na si Alikahn Ebrahim, ay nananatiling at large.

Mula sa orihinal na P25 milyon na badyet para sa proyekto, sinabi ng korte na naglustay sina Faisal at Ebrahim ng P10.074 milyon.

Ang dapat na kontratista, ang Nascon Builders, ay para sa mga layunin ng dokumentaryo lamang upang ipakita na ang proyekto ay ipinatupad.

Itinanggi ng Nascon na may alam ito sa deal ni Ebrahim kay Faisal.

Ang National Bureau of Investigation (NBI) ay nagsagawa ng fact-finding investigation sa pamamagitan ng ocular inspection noong 2014 tungkol sa proyektong pagtatayo umano ng 10 reservoirs sa Mt. Gurain sa munisipalidad ng Balindong.

Napag-alaman sa inspeksyon na walang reservoirs at walang nangyaring public bidding.