Advertisers
Ni JOVI LLOZA
WALANG sinuman na nakakaalam, kahit pamilya ni Melai Cantiveros, na may pinagdaraanan ito.
At mismong mga kasamahan ng host sa Magandang Buhay ay nagulat din sa pasabog ni Melai.
Pag-amin ng TV host-komedyana na may nakapa ito sa kanyang dibdib na mga bukol.
Labis naman ang pag-aalala nito at ganun din ang kanyang mga MB co- host sa kanyang pagtatapat.
At di na nga raw ito nag-aksaya pa ng panahon at talagang tumungo ito sa Cebu at Bohol kung saan ay nagpunta ito sa mga simbahan doon at nanalangin.
At dahil sa mataimtim na panalangin at pananampalataya ay nawala o biglang naglaho ang mga bukol na walang operasyon.
Prayer is so powerful sabi pa ni Melai, patotoo nitong rebelasyon sa kanilang programa.
***
MATAPOS ang contract signing para sa pagpasok ng Its Showtime sa GTV, si Vice Ganda ay may mga target na TV program na gusto nitong mag guest para i-promote ang kanilang show sa GTV.
Isa raw sa target nito ay ang KMJS ni Jessica Soho.
Kaso mapagbigyan kaya siya matapos ang 2013 joke nito noon sa kanyang concert sa Araneta?
Sey ng execs ng Kapamilya na kakausapin at kung mapapagbigyan ang request ni Vice.
Wala pa rin naman sagot si Soho sa target ni Vice na mag-guest sa KMJS.
Maraming napataas ang kilay na doon mag-promote si Vice sa revamp Eat Bulaga na pareho nilang noontime show.
Ubra naman daw kay Vice na inaasahan nito na maraming iikot ang puwet at mag-aabang.
Ganun!? Well, well, well…’Yun na!