Advertisers

Advertisers

UTANG NG PINAS, P14 TRILLION NA!

0 133

Advertisers

LUMOBO na ang outstanding sovereign debt ng Pilipinas sa bagong record high sa paglampas nito sa P14-trillion mark hanggang nitong pagtatapos ng Mayo ngayong taon sa gitna ng pag-utang upang suportahan ang budgetary requirements at ang paghina ng piso.

Batay sa datos mula sa Bureau of the Treasury, pumalo ang outstanding debt ng pamahalaan sa P14.10 trillion, mas mataas ng 1.3% mula sa P13.91 trillion hanggang nitong end-April 2023.

Iniugnay ang month-on-month increase ng sovereign debt level hanggang end-May 2023 sa net issuance ng domestic at external debt at sa depreciation ng local currency kontra US dollar.



Sa kabuuang debt balance, 68% ang “locally sourced” habang ang natitirang 32% ay mula sa external sources.

Sa kabuuan ay may kabuuan ang domestic debt na P9.59 trillion, mas mataas ng 1.4% mula sa P9.46 trillion month-on-month.

“For the month, the increment to domestic debt was primarily accounted for by the net issuance of government securities amounting to P129.11 billion,” anang BTr.

“Moreover, the impact of peso depreciation against the US dollar padded the value of onshore foreign currency-denominated securities by P1.56 billion,” dagdag nito.

Tumaas naman ang year-to-year domestic debt ng 4.1% mula P9.208 trillion local debt hanggang nitong end-December 2022.



Samantala, sumampa naman ang external debt sa P4.51 trillion, mas mataas ng 1.2% mula sa P4.45 trillion hanggang nitong end-April this year.

Lumago naman ang year-to-date external debt ng 7.1% mula sa end-December 2022 level na P4.21 trillion.

Hanggang sa unang quarter ng 2023, ang debt-to-gross domestic product (GDP) ratio ng bansa ay 61%, mula sa 63.5% sa unang quarter ng 2022.

Kumakatawan ang debt-to-GDP ratio sa halaga ng debt stock ng pamahalaan “relative to the size of the economy.”

Target ng gobyerno na ibaba ang debt-to-GDP ratio sa 60% sa 2025, at sa 51.1% sa 2028, at bawasan ang budget deficit sa 3.0% ng GDP sa 2028.