Advertisers

Advertisers

Pipi’t bingi ni-rape ng lolo, nasaksihan ng ibang bata

0 228

Advertisers

NAGTAWANAN umano ang mga batang kalaro ng 12-anyos na biktima nang ilarawan nila sa lola nito kung anong kahalayan ang ginagawa ng 58-anyos nitong lolo sa Calasiao, Pangasinan.

Sa ulat, isang pipi’t bingi ang biktima, at lolo nito ang salarin.

Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, tinawag umano ng matanda ang apo na pumasok sa bahay nito.

Nang nakapasok sa loob ng kuwarto ang apo, doon na ginawa ang pang-aabuso.

Inamin naman ng lolo ang krimen, na dala umano ng kaniyang labis na kalasingan.

“Parang alam ko singko minutos tapos tumakbo na rin ‘yung bata. Kaya lang hindi ko talaga alam sa sobrang nakainom talaga ako,” ayon sa lolo na nakadetine sa himpilan ng pulisya.

Ayon sa lola ng biktima, sinabi ng mga bata na nakita nila ang ginawa ng lolo. Nagtawanan pa umano ang mga bata nang tanungin niya kung ano ang ginawa ng lolo, at iminuwestra nila ito sa pamamagitan ng paggalaw ng katawan.

Isinasailalim sa counseling at debriefing ang biktima, habang mahaharap sa kasong sexual assult at statutory rape ang lolo nito.