Advertisers
Ni JOVI LLOZA
SA pagiging broken hearted ay inaliw at nilibang ni Andrea Brillantes ang sarili na magtungo sa Spain para tuluyang ma-heal ang kanyang pusong sugatan.
Nakatulong ang pagbabakasyon sa Spain ni Andrea nang solo lang.
At talagang nag-love yourself ito sa sarili.
Malaking tulong ang pagbabakasyon ng solo lang ni Andrea sa Spain.
Dagdag pa nito, inisip niya ang nakaka-turn off sa kanyang ex-bf na si Ricci Rivero kaya mabilis itong naka- moved on.
Grabe nga raw itong magmahal at talagang ibinuhos nito nang todo.
Dahil sa pagmamahal na ‘yun ay nilunok nito ang lahat na di naman pala dapat lunukin na di na ito nagtira para sa sarili.
Masaya na si Andrea dahil naibulalas na nito ang bago ng ex-bf sa panayam ni Vice Ganda sa batang aktres.
Pero may tsika na may kapalit na raw sa puso niya si Ricci.
***
HINDI itinago ni Bea Alonzo ang pagiging proud sa bf na si Dominic Roque.
Nagkaroon daw ng pagkakataon na mag-bonding ang couple nang di matuloy ang project ni Bea.
Nag-post sa kanilang socmed si Bea ng larawan na magkasama sila sa isang spa.
Time nga raw na bigyan ang sarili na ipamper lalo na sa napa-hectic na iskedyul ng actress.
Dagdag pa ng actress sa ikinapupuri nito sa bf ay ang pagiging aware nito na tulad ng nag-grocery ito ay gumamit ng troley na alam ng bf na bawal ang plastic.
Kaya natutuwa si Bea sa pagiging WAIS at praktikal ng dyowa at di naman daw kuripot ang bf kungdi pinapahalagahan lang nito ang pera na kanyang kinikita.
Isa pang paglilinaw ay pinabulaanan ni Bea na engaged na sila ni Dominic. Ang mga lumabas daw na larawan sa socmed ay kuha pa sa Amanpulo nung magbakasyon sila.
Si Dominic daw ay mahilig magpo-post ng mga late na kaya inakala ng marami na engaged na ang sila.
Well, well, well…’Yun na!