Advertisers
MARAMING ‘firsts’ ang hindi dapat palagpasin sa pelikulang ‘The Cheating Game’ nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz.
Ang ‘The Cheating Game’ ang first-ever film offering ng GMA Public Affairs under GMA Pictures. Dahil una, tiyak na napaghandaan at big time ang pelikula — mula sa highly-talented cast at creative team hanggang sa malaking production na siguradong hindi magbibigo sa viewers.
First time ring magsasama sa isang pelikula nina Julie at Rayver. For sure, todo ang excitement ng kanilang fans dahil nasanay sila na sa performances, concerts, at hosting lang nagkakatrabaho ang dalawa.
Bagong personalidad at imahe rin ang masisilayan kay Julie sa pagganap niya rito. First time niyang maging bida ng isang romance drama film kaya nakaka-excite malaman ano pa ang kaya niyang ipakita pagdating sa pag-arte.
Ano pa nga ba ang ibang ‘firsts’ na dapat abangan? Maging una sa panonood ng much-awaited film this 2023. Showing na ang ‘The Cheating Game’ simula July 26 sa mga sinehan nationwide.