Advertisers
TODAS ang dalawang lider ng New People Army (NPA) sa engkwentro sa pagitan ng tropa ng militar at rebelde sa Pambujan, Northern Samar nitong Sabado.
Kinilala ang dalawang nasawi na sina Jerry Lutao alias “Nadi”, lider ng Front Operation Command (FOC) and Sandatahang Yunit Propaganda (SYP); at Brando Oblado alias Idol, puno ng Squad 2 sa ilalim ng FC1 SRC Emporium.
Ayon kay Lt. Colonel Israel Galorio, spokesman ng Visayas Command, ang engkwentro ay naganap sa pagitan ng mga elemento ng 4th Scount Ranger Battalion, 19th Infantry Battalion at ‘di batid na bilang ng mga rebelde sa Brgy. Cagbigajo, Pambujan.
Nagpapatrulya ang mga sundalo nang paputukan ng mga rebelde ang mga operatiba at nagsimula ang bakbakan.
Tumagal ang engkwentro ng 20 minuto bago tumakas ang mga rebelde .
Sa clearing operation ng mga sundalo, natagpuan ang labi ng 2 rebelde.
Narekober ng mga sundalo ang 2 M16 rifle, 1 M14 rifle, mga personal na kagamitan at mga subersibong dokumento.(Mark Obleada)