Advertisers
MAHIGIT isang dosenang mga baril at daan daang rounds ng mga bala, magazines, motorsilo at service vehicle ang nasunog nang lumiyab ang kampo ng Regional Mobile Force Battalion 11 sa Purok 2, Barangay Malagos, Baguio District, Davao City 12:45 ng tanghali nitong Sabado.
Ang apoy ay nagmula sa bunker ng mga pulis na sina Patrolman Ryan Umacob, Pat. Millari, at Pat. Naupan, at kumalat sa anim pang bunkers at function hall.