Advertisers
TIMBOG ang isang prison officer sa pagpupuslit ng walong pakete ng sigarilyo sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City, ayon sa Bureau of Corrections (BuCor).
Kinilala ng BuCor ang naarestong jail guard na si CO1 Jerome San Gabriel na nakatalaga sa supply ng ospital ng NBP.
Sa mandatory checking ng mga gamit, nakita ng mga guwardiya ang kontrabando na nakatago sa isang rice plastic bag.
Hinimok ni BuCor Director General, Gregorio Catapang Jr., ang corrections officers na itigil na ang paggawa ng mga maling gawain sa bureau.
“Binibigyan ko ang lahat ng tao dito ng pagkakataon na gawin ang tama at kung ano ang ipinag-uutos sa atin na gawin,” sabi ni Catapang.