Advertisers

Advertisers

Kumatay sa nawawalang aso ng bisita sa resort kulong

0 192

Advertisers

NAHAHARAP sa reklamo ang dalawang mangingisda nang katayin ang nawawalang aso ng isang bisita sa resort sa Sariaya, Quezon.

Sa ulat, naka-check in sa resort ang 63 anyos na babae mula sa Santa Cruz, Laguna nang mawala Hulyo 18 ang isa sa kaniyang mga aso.

Nag-alok ang babae ng pabuya para maibalik ang kaniyang aso, hanggang sa may isang concerned citizen ang nagsabi sa kaanak ng babae na kinatay na ang kaniyang alaga ng dalawang lalaking mangingisda sa lugar.



Naabutan pa ng biktima ang kaniyang alaga na kinakatay sa mesa ng mga salarin na isang 51 anyos at isang alyas “Bunso.”

Kinondena ng Animal Kingdom Foundation ang pagkatay sa aso.



Nasa bilanggo na ang mangingisda habang patuloy na hinahanap si alyas Bunso. Nahaharap ang mga ito sa reklamong paglabag sa Animal Welfare Act na may parusang kulong ng 2 taon at multang hanggang P100,000.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">