Advertisers
NASAWI ang tatlo katao nang mahagip ang sinasakyang motorsiklo ng isang van sa bahagi ng General Santos-Koronadal highway sa Barangay Palian,Tupi, South Cotabato, umaga ng Sabado.
Kinilala ang mga nasawi na sina Jomar Fermalino, 50 anyos; anak na si Shena, 10; at biyenan na si Selvia Bastan, 74.
Dahil sa lakas ng pagkakabundol sa mga biktima mula sa likuran, natapon sa isang malalim na roadside canal ang mga ito.
Agad na namatay ang tatlo sa tindi ng injuries na kanilang tinamo sa aksidenteng sangkot ang isang light van, na agad na tumalilis nang ma-side sweep at tumilapon ang mga biktima sa gilid ng highway.
Patungo ng Surallah, South Cotabato mula sa General Santos City ang mga biktima nang maaksidente.
Nagtutulungan ang General Santos City Police Office, ang Tupi MPS at ang South Cotabato Provincial Police Office sa paghanap sa van na nakabundol sa motorsiklo.