Advertisers

Advertisers

Banggaan ng ambulansiya at motorsiklo: 2 patay, 2 grabe

0 95

Advertisers

NASAWI ang mag-asawa at sugatan ang dalawang anak sa salpukan ng motorsiklo at ambulansiya sa San Andres, Quezon nitong Sabado.

Kinilala ang mga nasawi sina Felix Duaso, 49 anyos; at misis na Thelma, 48; nilalapatan naman ng lunas sa Quezon Medical Center sa Lucena City ang kanilang mga anak na sina Ferdie, 18; at Mark James, 6 anyos.

Nasa kustodiya ng pulisya ang driver ng ambulansya na pag-aari ng San Andres LGU na si Ricardo Lihay.



Sa report, 9:30 ng umaga nang maganap ang aksidente sa national highway sa Barangay Camflora San Andres.

Nabatid na patungo sa direksyon ng karatig na bayan ng San Andres ang ambulansiya nang biglang pumasok sa highway ang motosiklo ni Ferdie sakay ang pamilya mula sa isang barangay road. Hindi nagawang maiwasan ni Lihay ang motorsiklo at nahagip ito. Sumadsad ang ambulansya sa kanal, gilid ng highway.



Dinala ang mag-anak sa municipal health center pero hindi na umabot ng buhay ang mag-asawa sanhi ng tinamong pinsala sa katawan.

Sumuko si Lihay matapos ang insidente at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multple homicide and multiple physical. (Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">