Advertisers
UMULAN man todo, kahit lumutang pa sa baha ng super bagyong “Egay” ang Metro Manila, tuloy ang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong “Bongbong” Marcos, Jr.
Kaya’t pakinggan at tandaan ang laman ng SONA ng Pangulo na magsisimula 4:00 ng hapon.
Sinabi ng Presidential Communications Operation Office (PCOO) na ihahayag ng Pangulo ang mga naging accomplishent ng kanyang administrasyon sa unang nito, at iaanunsyo ang mga programang nakalinya para sa susunod na limang taon ng termino.
Pero dahil may bagyo at may nakatakdang transport strike, sinuspinde ng gobyerno ang klase sa public schools sa lahat ng antas, wala ring pasok ang lahat ng tanggapan ng gobyerno maliban ang sa sektor ng kalusugan at pagkain. Samantalang ipinauubaya na sa private sectors ang desisyon sa sitwasyon.
Kaya, mga igan, panoorin nalang sa TV, sa facebook live at pakinggan sa radio ang ulat ng Pangulo. At kinabukasan, basahin sa mga pahayagang nasyunal para lubos na maunawaan ang naging laman ng talumpati ng ama ng Pilipinas. Tandaan!
***
Sinabi ng Department of Justice (DoJ), ipaaaresto nila ang mga imbestigador ng International Criminal Court (ICC) kapag nagsagawa ng imbestigasyon ukol sa “war on drugs” ng nakaraang administrasyon, kungsaan ayon sa gobyerno ay mahigit sa 6,000 ang napatay, pero sa datus ng local at international human rights ay nasa 12,000 hanggang 30,000 ang tinumba sa “Tokhang” ng war on drugs ng Duterte administration.
Naniniwala ba kayo sa banta na ito ng DoJ? Eh kung yung ang mga personalidad dyan ng may arrest warrant ay hindi nila mahuli, ang ICC pa kaya na protektado ng gobyerno ng 123 bansa?
Take note: Ang ICC ay nakapag-imbestiga sa powerful country, Russia, laban sa kanilang Presidente na si Vladimir Putin na kahit kailan ay hindi naging miyembro ng ICC, ang maliit na Pilipinas pa kaya? na dating kabilang sa ICC na kaya lang naman kumalas ay dahil iniimbestigahan ang war on drugs.
Si Putin ay kinasuhan ng ICC ng ‘Crimes against Humanity’ dahil sa paghakot sa mga bata mula sa ginigiyerang bansa ng Ukraine.
Si Putin ay hindi na ngayon makalabas ng Russia sa takot na maaresto.
Ang grupo ng mga abogado ng biktima ng anti-drugs campaign ni Duterte sa Mindanao ay nagpahayag na na makipag-coordinate sa imbestigasyon ng ICC, gayundin ang human rights lawyers na nagre-represent sa mga biktima ng ‘extrajudicial killings’ sa Luzon.
Kaabang-abang ito. Subaybayan!
***
Mahigit isang milyong benepisyaryo ng 4Ps ang tatanggalin sa listahan, sabi ng DSWD.
Ito yung mga wala nang pinaaaral, may pension sa SSS o GSIS, at hindi naman talaga kabilang sa poorest of the poor.
Ang mga matatanggal ay papalitan ng mga nakapilang aplikante na dumaan sa masusing screening. Aprub sa atin ito!
***
Napakaraming pulis ang nag-aaplay ngayon ng early retirement. Dahil daw ito sa bagong batas na kakaltasan na ng 5 percent ang sahod ng mga pulis para sa kanilang pension.
Mabibigyan rito ng tsansa ang bagong PNP applicants.