Advertisers

Advertisers

CAAP AIRPORTS SA BICOL REGION AT IBA PA, NAGHAHANDA PARA SA ‘HAGUPIT’ NI EGAY

0 115

Advertisers

ANG rehiyon ng Bicol bilang ‘typhoon belt’ ay kadalasang dinadalaw ng mga bagyo kaya gumagawa ngayon ng hakbang ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) upang maprotektahan ang mga pasilidad ng mga natural na kalamidad tulad ng bagyo,malakas na ulan at iba pa.

Ayon kay CAAP spokesperson Eric Apolonio, hinihikayat nila ang iba pang nababahala sa paliparan na gamitin ang matibay na proteksiyon tulad ng accordion type storm shutter. Kung ikukumpara ito sa paggamit ng flyboard/batterboard at iba pang materyales ay mas ‘mahusay’ ang accordion type.

Kaugnay nito, ginagabayan ng pinakabagong tropical cyclone bulletin mula sa PAGASA at weather developments sa lupa, ang pagbabantay ng bagyo sa Tropical Storm Egay, kasama ang CAAP standard precautionary actions at safety measures ay isinaaktibo sa lahat ng CAAP-operated airports sa daanan ng Typhoon Egay.



Kasabay ng mga paghahandang ito, ibinahagi ni CAAP Area Center 5 (Bicol Region) Manager Cynthia Tumanut na ang mga paliparan sa Bicol, na madalas puntahan ng mga bagyo, ay nagpakilala sa mga pasilidad nito ng matibay at maginhawang accordion type storm shutters upang maprotektahan ang mga gusali ng paliparan mula sa galit ng mga bagyo at hangin.

Iniulat din ng CAAP na ang lagay ng panahon sa mga paliparan nito sa Hilagang Luzon na Basco, Itbayat, Tuguegarao, Cauayan, Palanan, at Bagabag ay kasalukuyang maalinsangan at maaraw na may paminsan-minsang maulap na panahon. Nananatiling normal ang operasyon ng paliparan sa lugar. (JOJO SADIWA/JERRY TAN)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">