Advertisers
BIGLANG namayagpag sa buong sports community ang National Capital Region Athletic Association (NCRAA) dahil nasa timon ng bagong mga humahawak ng presitihiyosong scholastic league sa bansa.
Kung tutuusin ay numero dos na sa hanay ang NCRAA dahil ang dalawang pangunahing liga ay parehong nagke-claim na sila ay number one, kidding aside ay very humble si NCRAA General Manager Buddy Encarnado na sabihing sila ang next big league following UAAP and NCAA.
Ang NCRAA na muntik nang tumiklop sa taas ng antas ng rivalry kumpara ibang liga ay balik-sigla ngayon sa kumpas ng mabuting kamay ni GM Encarnado katuwang ang management committee ng bawat institusyong miyembro, sports directors, coaches, players at ang crowd base nito kay buhay na buhay sa liga pati na kalidad ng kumpetisyon ay angat sa ibang unti-unting dumausdos at di na makaungos kumpara sa matatag na liga sa pamumuno ni GM Buddy.
Imagine ang opening ceremony ng 29th NCRAA Season ay filled to the rafters na di nagawa ng anumang ligang pang-komersyal at ang natandaan ko lang na pumuno ng Ultra ay pag may laban ang Ginebra noong dekada ’90 kontra kahit sino ang kalaban.
Naduplika na ito ng NCRAA ngayong season kaya sambit ni marketing expert Buddy Encarnado ay kailangang maging consistent ang pamamayagpag ngayon lalo na sa sama-samangeffort ng lahat ng konsenado
Op kors sa pangunguna nina Engr.Ted Cada ng AIMS;Student Affairs& Services Division Mary Grace Demetillo, team owner Dr.Gregorio Andaman ng SDCA; Athletic Director Benjamin Hernandez,Jr Pres. COO Engr. Jose Eduardo Valdez, PATTS College of Aeronautics; Sports Coordinator Marie Cris Macasaet and Pres.Marcelino Vincente Angana; Athletic Coordinator Eliseo ‘Bong Miguel, Jr., NCBA Pres. Atty. Concepcion Nançy Pasion; Athletic Director Ronnie Barcelona, PMMSPres.and Board Chair. Juan Nolasco III;Athletic Director Eddieson Orcullo, OC Pres.Dr.Pablo Olivarez,CEU Pres.CAO Dr.Marina Cristina Padolina,VP Student AffairsDr. Carlito Olaer, Asst. VP SA AthleticsDr.Juanita Allamiloj;Sports Director Anthony Villadelga do,EACC pres Atty Paulo E. Campos, Jr. corp., sec, treas, ownerAtty. Pao Campos; sports director Gerardo Sergio III, DLSU- D Francisco dela Rosa at iba pang member institutions..
Patuloy pa rin ang mga de-kalidad na kumpetisyon sa volleyball at iba pang sports pagkatapos ng matagumpay na basketball events..GO HURRAY NCRAA!
Lowcut: Belated BIRTHDAY shoutout kay basketball management icon Buddy Encarnado at congrats Ma’m Grace ng SDCA-newly elected NCRAA 30th Season
President. Hats off 29th prexy Benjie Hernandez… Oldabest!