Advertisers

Advertisers

Eala maaring makaharap si Ruse or Linette sa Cincinnati Open second round

0 2

Advertisers

HAHARAPIN ng Filipino tennis ace na si Alex Eala ang alinman kay Romanian na si Elena-Gabriela Ruse o Polish na si Magda Linette sa pagsisimula ng kanyang kampanya sa WTA 1000 Cincinnati Open sa Ohio.

Ang ika-20 sa mundo na si Eala ay seeded No.17 sa torneo kung saan nilaktawan niya ang unang round (round of 128) at sisimulan ang kanyang laban sa ikalawang round (round of 64).

Makikipagharap siya sa world No.77 na si Ruse at No. 68 na si Linette na magtatagpo sa unang round, malamang ngayong Huwebes.

Maingat na sisimulan ni Eala ang kanyang kampanya sa Biyernes sa round of 64.

Nakaharap na ni Eala sina Ruse at Linette, na may 0-1 head-to-head record laban sa Romanian at 2-2 record laban sa Polish na manlalaro.

Natalo si Eala kay Ruse sa third round qualifiers ng 2024 US Open, 6-3, 1-6, 4-6.

Samantala, natalo si Eala kay Linette sa kanilang unang dalawang laban — 0-6, 2-6 sa 2024 Abu Dhabi round of 32 at 4-6, 3-6 sa 2025 Nottingham Open round of 32.

Nanalo ang lefty netter sa huling dalawang laban: 6-3, 6-2 sa ASB Classic quarterfinal Enero at 6-3, 7-6(2) sa Miami Open round of 32 noong Marso.